^

Bansa

Nakalilitong ‘bill deposit’ sa kuryente binatikos’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Nakalilitong ‘bill deposit’ sa kuryente binatikos’
Senador Erwin Tulfo
Senate Social Media Unit / Voltaire Domingo

MANILA, Philippines  - Nanawagan si Senador Erwin Tulfo na ga­wing mas malinaw­ at mas madaling maunawaan ng mga konsyumer ang mga dagdag-singil sa kuryen­te, partikular ang tinatawag na “bill deposit” na naging ugat ng mga reklamo kamakailan.

Ayon kay Tulfo, mara­ming Pilipino ang nabigla nang makita ang pagtaas ng kanilang electric bill dahil hindi nila agad naunawaan kung saan nanggaling ang naturang singil.

Bagama’t ipinagpaliban na ng Meralco ang implementasyon ng bill deposit, sinabi ng senador na mahalagang maging transparent ang mga power distribution utility sa pagpapaliwa­nag ng mga karagdagang bayarin.

“Malinaw sa reaksyon ng ating mga kababayan na marami ang nagulat sa pagtaas ng kanilang singil. Ang kur­yente ay bahagi na ng buwanang gastusin ng bawat pamilya kaya mahalagang naiintindihan nila ang bawat singil na nakalagay sa kanilang bill,” ani Tulfo.

Lumutang ang usa­pin matapos magbahagi ng reklamo ang ilang konsyumer sa social media hinggil sa malaking­ dagdag sa kanilang binabayarang kuryente.

Sa ilalim ng Magna Carta for Residential Electricity Consumers, ang bill deposit ay isang halagang kinokolekta bilang garantiya sa pagbabayad ng konsumo sa kuryente. Gayunman, iginiit ni Tulfo na may karapatan pa rin ang mga konsyumer na mabigyan ng malinaw na impormasyon hinggil sa mga singil na ipinapataw sa kanila.

Suportado rin ng senador ang mga bagong panuntunang inilabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay ng bill deposit.

Kasabay nito, hinikayat niya ang mga power distribution utility­ na magpatupad ng makatao at flexible na mga paraan ng pagbabayad, kabilang ang installment scheme para sa mga apektadong konsyumer.

Nauna nang inatasan ng ERC ang mga distribution utility na payagan ang pagbabayad ng bill deposit sa tatlong magkakapantay na buwanang hulog.

TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with