^

Probinsiya

15-anyos estudyante utas, 2 pa kritikal sa ambush!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
15-anyos estudyante utas, 2 pa kritikal sa ambush!
Map of Agusan del Sur with Trento highlighted
Wikipedia / Mike Gonzalez

Nanood ng pa-concert ng LGU

MANILA, Philippines — Patay ang isang 15-anyos na estudyan­teng lalaki habang dalawa pa ang sugatan makaraan silang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang armadong kalalakihan habang pauwi na galing sa konsiyerto sa Talacogon, Agusan del Sur nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report ng Police Regional Office (PRO)-13, ang binatilyo ay idineklarang dead-on-arrival sa Talacogon District Hospital.

Ang dalawang nasugatan ay kinilala namang sina Leah Mea Budias, 23 anyos at ang 13-anyos na isang lalaking estudyante na patuloy na isinasalba ang buhay   sa nasabing pagamutan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang tatlong biktima ay dumalo sa concert na inisponsoran ng pamahalaang bayan nitong Biyernes ng gabi at kasalukuyan nang naglalakad pauwi sa  kanilang tahanan sa Brgy. San Agustin dakong alas-2 ng madaling araw nang bigla na lang silang pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa gilid ng kalsada.

Nang makitang humandusay ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect patungo sa direksyon sa bayan ng San Luis.

Ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero nabigo nang maisalba ang buhay ng 15-anyos matapos na mapuruhan ng mga tama ng bala sa katawan.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa kasong ito upang matukoy at masakote ang mga salarin.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with