^

Police Metro

Teodoro: Act of War, ang pagtaboy ng China sa BRP Sierra Madre

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Teodoro: Act of War, ang pagtaboy ng China sa BRP Sierra Madre
This aerial photograph taken from a military aircraft shows the dilapidated Sierra Madre ship of the Philippine Navy anchored near Ayungin shoal (Second Thomas Shoal) with Philippine soldiers on-board to secure the perimeter in the Spratly group of islands in the South China Sea, west of Palawan, on May 11, 2015. The Spratlys are considered a potential Asian flashpoint, and claimant nations including the Philippines have expressed alarm as China has embarked on massive reclamation activity.
AFP photo / Pool / Ritchie B. Tongo

MANILA, Philippines — “Maituturing umanong act of war laban sa Pilipinas ang anumang sapilitang pagtataboy ng China sa BRP ­Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

“Any threat against BRP Sierra Madre will be taken very seriously because it will be an act against a military vessel of the Republic of the Philippines. Kung ‘yan ay tinangka, o may mangyari diyan … ginamitan ng pwersa eh ‘yan ay act of war against the Republic of the Philippines,” ani Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Sinagot ni Teodoro ang ulat ng Chinese Commercial News hinggil sa 10 posibleng hakbang ng Beijing laban sa Pilipinas, kabilang ang paghila sa BRP Sierra Madre, pagharang sa mga misyon ng suplay at pagpapataw ng mga parusang pang-ekonomiya.

Ayon kay Teodoro, seryosong banta sa bansa ang anumang puwersahang pagkilos laban sa nasadsad na barkong pandigma ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Teodoro na posibleng maapektuhan ng anumang armadong pag-atake ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Gayunman, nakasalalay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasya kung hihilingin ang pagtugon sa ilalim ng kasunduan.

Aniya, hindi kailangang humingi ng Pilipinas ng pahintulot mula sa China upang magsagawa ng resupply mission para sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre.

Wala rin umanong obligasyon ang bansa na ibunyag sa mga barkong Tsino ang laman ng mga kargamento nito.

Hinimok ni Teodoro ang pamahalaan at pribadong sektor na palakasin ang mga lokal na industriya at humanap ng alternatibong pinagkukunan ng mahahalagang produkto upang mabawasan ang pagdepende sa China, na aniya’y maaaring gamitin bilang instrumento ng panggigipit sa Pilipinas.

WEST PHILIPPINE SEAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with