^

Bansa

Common areas ng subdivision, condo pinalilibre sa property tax

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang alisin ang real property tax (RPT) sa mga common area sa mga residential subdivision at condominium.

Layunin ng Senate Bill No. 2569 na inihain ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na amyendahan ang Section 234 ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991 upang alisin ang gastusing hindi direktang ipinapasa sa mga residente sa pamamagitan ng buwanang association dues.

Sinabi ni Escudero, chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, na ang kasalukuyang pagsingil ng buwis sa mga shared space gaya ng mga hallway, lobby, parke at iba pang pasilidad  ay epektibong nagpapataas sa gastos ng pagmamay-ari ng bahay para sa mga pamilyang bukod sa amortization ay may iba pang binabayarang utilities at patuloy na tumataas na gastusin sa pamumuhay.

“Hindi kumikita ang mga lugar na ito, pero binubuwisan pa rin. Sa huli, ang mga pamilyang nakatira roon ang sumasagot sa buwis, hindi ang developer,” ani Escudero.

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng bahagi ng isang residential condominium o subdivision project na opisyal na itinalaga o kinikilalang common area ay hindi na sisingilin ng RPT, hangga’t hindi ginagamit ang mga ito para sa komersiyal o iba pang aktibidad na kumikita.

Gayunman, mananatiling taxable ang mga espasyong ginawang pangnegosyo upang matiyak na ang exemption ay mahigpit na mailalapat lamang sa mga pasilidad na pinagsasaluhan ng mga residente.

Sinabi rin ng senador na karaniwang ipinapasa ng mga developer sa homeowners’ associations ang gastos para sa RPT ng mga common area, na­nagreresulta sa mas mataas na association dues.

PROPERTY TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with