Cristy Fermin, hinamong maglabas ng merito’ si Claudine!

“Wow! Big words! Ipakukulong daw niya ako? Siguruhin niyang may merito ang kasong isasampa niya sa piskalya pa lang! Ano, mauuna pa akong makulong sa mga nangurakot ng male-maletang salapi sa gobyerno? Look who’s talking!” sagot ni Nay Cristy Fermin kahapon nang tanungin ko tungkol sa cease-and-desist letter ni Claudine Barretto dahil diumano “untruthful, scandalous, and damaging” na sinabi ni Nay Cristy tungkol sa mental health nang isugod ito sa hospital recently.
Nabanggit ni Nay Cristy na : “Si Claudine Barretto mismo ang naglabas sa kanyang IG na nasa hospital siya… pero walang sinabi kung anong dahilan ng kanyang confinement. Bakit? Ano nanaman ito? Panibago ba ito para mapag-usapan lang?”
“Tapos after one day, lumabas ‘yung sa braso, so maraming nagsabi na nagpaliit lang, nagpa-lipo ng braso. Sabagay, aminado naman siya na bipolar siya… na anytime, meron ‘yung pagsumpong.”
“Alam ko kasi ‘pag naoospital si Claudine, si Gretchen ang sumasagot.”
Opinion lang naman ang sinabi ni Nay Cristy at pwede naman sumagot si Claudine.
Ini-upload ni Claudine ang nasabing sulat ng kanyang abogado kay Nay Cristy na beterana na sa demanda, pero lahat ay nalulusutan niya.
Kamakailan lang ay nanalo siya sa demanda nina Bea Alonzo, Sharon Cuneta, at iba pa.
Regine, may prusisyon sa concert
Totoo naman na wala nang kailangang patunayan si Regine Velasquez.
Tulad ni Martin Nievera, been there, done that na siya sa concert sa malalaking venue at ang mga gold record awards na kung ilang libo ang nabebentang hard copy ng bawat album na ginawa nila.
Ibang-iba ngayon na pwedeng magbayad para mas maraming maka-stream ng mga kanta.
Walang short cut noon. Ngayon ay may boosting sa social media.
Kaya naman solid na nostalgic memories sa panonood ng Finale concert ni Regine (second night) - third night Linggo ng gabi.
Ang sayang alalahanin at pakinggan ang mga kanta niya noon na binuhay sa kanyang concert. “In 4 years, I will be 60. And, it’s just a big stage anyway. It’s also means kasi that I will be retiring some of my songs.
“So, some of the songs that you heard tonight, you probably won’t hear them anymore. I probably won’t sing them anymore,” sabi ng nag-iisang Asia’s Songbird.
“Why? Because I can’t anymore. I don’t have the voice for them anymore. I’m here tonight not to prove to you guys that I can still perform, that I still have the voice. Obviously, it’s not like that anymore. I’m not here to prove anything. I’m here because of all of you,” sabay hiyawan ng mga taong pumuno sa Mall of Asia Arena sa nakaraang tatlong gabi.
“I show up because you keep showing up. Every time we announce that I’m going to have a concert, you just show up. You don’t care.
“Kahit anong kondisyon ng boses ko, may boses, malat, garalgal, you show up. I actually don’t know why.
“I had a concert where I didn’t even have a voice, and I was expecting for you guys to walk out because that’s a natural tendency of the audience when they get disappointed.
“You walk out and you didn’t. Instead, you sang my songs to me. You performed my songs to me. I appreciated that,” emosyonal niyang pahayag sa entablado noong second night ng Finale concert na free concert that night.
“That’s my biggest nightmare. You guys walking out. But instead of walking out, you sang my songs to me. And that’s why I’m here. Because you keep showing up,” dagdag niyang sabi na lalong nagpaluha rin sa kanyang loyal fans.
“And after 40 years, I want you to know that deciding to not do the big stage anymore is a big, big decision. And I still... Hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin.
“But I have changed. My voice has changed. My expectations sa sarili ko have changed. But one thing has never changed, you guys.
“You have never changed. Your love for me, your admiration for me, your loyalty for me have never changed. I’m not even sure if I actually deserve you. I’m sure you don’t.
“So my prayer tonight as Lord God, please, whatever blessings that you have bestowed upon me, please, share it with all of these people. Bless each and every one of these people that have supported me for 40 years.
“Make all their dreams come true. Make their lives better. In Jesus’ name, I pray. Thank you for the 40 years that we have shared together,” banggit pa niya sa kanyang mahabang spiel sa bandang umpisa ng concert noong Linggo ng gabi na inabot ng tatlong oras.
At tulad sa unang gabi ng kanyang concert, nakasama niya sina Mikee Cojuangco at Donna Cruz (sa pelikulang DoRemi) na 30 years na pala next month.
Ganundin ang kanyang mister, si Ogie Alcasid, kung saan nag-duet sila Hanggang Ngayon na siniguro na ang kanyang misis ang pinakamagaling na singer sa Pilipinas.
“Gusto kong malaman mo na ikaw ang greatest singer sa mahal na bansang ito. At sinasabi mong ito na ang iyong pagtatapos, iyon ay sa pagitan mo at ng iyong Diyos, pero hindi magkakaroon ng pagtatapos ang pagmamahal ng mga tao,” sabi niya na karamihan din sa kanyang mga kinanta ay sinulat ni Ogie.
Ruffa, nawindang sa pagkakalat ng intriga kay Annabelle Rama
Hindi na nakatiis si Ruffa Gutierrez.
Nag-post na siya bilang sagot sa mga nagkakalat ng maling impormasyon na pumanaw ang mommy niya na si Annabelle Rama.
Susmio. Ang lakas-lakas kasi ni tita Annabelle.
Sabi ni Ruffa sa kanyang post : “To all content creators, I sincerely hope we can use our platforms to spread truth, kindness, and positivity rather than misinformation and hate.
“Spreading false stories and damaging someone’s reputation for the sake of views and engagement is never right.
“Walang katotohanan ang mga kumakalat na balita. MY MOM IS ALIVE & KICKING!! “Let us be more responsible with the stories we choose to share. Words have power, and behind every headline are real people and families who can be deeply affected.
“Let us choose truth over rumors, kindness over cruelty, and integrity over attention.
“A little more respect and compassion can go
a long way.
Ngayon kasi alang-alang sa views,
may mga gumagawa ng click bait para kumita.
- Latest




















