^

Metro

2 fixer na nanggulo sa LTO, tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang fixer­ matapos umanong mang­gulo sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City noong Biyernes, Oktubre 16, nang hindi matuloy ang transaksiyon nila sa pagpapalit ng plaka ng sasakyan.

Batay sa ulat, inaasikaso ng dalawa ang pagpapalit ng special license plate para sa isang motorista. Bagama’t aprubado na ang aplikasyon, natuklasang nagamit na ang mga orihinal na plaka at walang pahintulot ang rehistradong may-ari na kunin ang mga kapalit nito.

Dahil dito, itinigil ang transaksiyon at nagalit umano ang dalawa, nagtaas ng boses at guma­mit ng hindi angkop na pananalita laban sa mga tauhan ng LTO. Nagpatuloy pa umano ang kanilang pakikipagtalo nang humingi sila ng tulong sa tanggapan ni LTO chief Markus Lacanilao.

Ayon kay Lacanilao, nagpapanggap ang ­dalawa na sila ang may-ari ng sasakyan. Inaresto sila ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG), kasama ang Intelligence and Investigation Division at Plate Unit.

Dinala ang mga suspek sa Camp Crame para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kasong alarm and scandal. Iniimbestigahan din ang posibleng paglabag nila sa Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act kaugnay ng hinihinalang fixer activities.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with