Lalaking may cancer pinagaling ni Padre Pio (Part 7)
AYON kay Anthony, hindi makapaniwala ang kanyang asawang si Barbara at mga anak sa kanyang mga ikinuwento. Tiningnan siya ng mga ito na parang may halong pagtataka, gayunman, nakikita niya na masaya pa rin ang mga ito sa nangyari.
Nang gabing iyon, habang siya ay nakahiga, may naramdaman siya na parang may inaalis sa bahaging inopera sa kanya. Hindi siya mapakali.
Napansin ng kanyang asawang si Barbara ang kanyang mga kilos. Sinabi niya ang nararamdaman na tila inaalis ang mga natirang tumor sa kanyang bituka.
Labis ang pagtataka ng kanyang asawa sa kanyang sinabi.
Noong Abril 10, 1997, araw na itinakda para alisin ang natitirang tumor. Ayon kay Anthony, siniguro niyang nasa bulsa niya ang statue ng kanyang guardian angel na si Victoria.
Isinagawa ni Dr. Ferrara ang procedure. Habang nakatingin si Dr. Ferrara sa colon sa pamamagitan ng television monitor at iba pang surgical instruments, sinabi ng doktor na wala na ang tumor?ala na raw dapat pang alisin. Seryosong-seryoso ang doktor habang nagsasalita.
Sa sinabi ng doktor, nakadama raw si Anthony nang hindi maipaliwanag na kasiyahan. Hanggang sa maalala raw niya ang kanyang “kaibigan” na pinasakay niya sa kotse isang umagang umuulan. Tandang-tanda niya ang sinabi ng lalaki, “Magaling ka na. Magaling ka na, ang Holy Spirit ay sumasaiyo.”
Nagpasalamat siya sa Diyos at sa guardian angel niya na si Victoria.
(Itutuloy)
- Latest

















