Discount sa seniors pinatitiyak na natutupad
MANILA, Philippines — Pinatitiyak ni Presidential Legislative Liason Office Sec Joey Salceda sa Department of Trade and Industry at National Commission of Senior Citizens na masigurong natutupad ang discount para sa senior citizens.
Kasunod yan ng desisyon ng Korte Suprema na ang discount para sa senior citizens ay hindi pwedeng ihalo sa iba pang price reduction promotions sa mga establisiimyento.
Sabi ni Salceda bagama’t iginagalang nya ang desisyon ng Korte Suprema kailangan pa rin matiyak na hindi magsasamantala ang mga establisimyento para maiwasan ang pagbibigay ng senior citizen discounts.
Mungkahi ni Salceda maaaring panahon na para amyendahan ang polisiya sa nakatatanda lalo at bumababa na anya ang fertility sa bansa.
Dapat paghandaan aniya ang aging Philippines habang kaya pa.
“More broadly, it is time to rethink our policies on aging. With fertility down to just 1.7 children per woman, below the replacement level of 2.1, we will not always be a young country,” saad pa ni Salceda.
- Latest















