PRO3 nasamsam 1,332 baril sa loob ng 13 araw
MANILA, Philippines — Naitala ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kabuuang 1,332 baril na na-account sa Central Luzon mula Oktubre 1 hanggang 13, 2026, sa ilalim ng programang Accounting and Disposition of Firearms with Expired Registration (ADFER) na naglalayong matiyak ang wastong pagtatala at pangangasiwa sa mga baril na paso na ang rehistro.
Sa kabuuang bilang, 1,292 baril ang idineposito sa mga awtoridad para sa ligtas na pag-iingat, habang 40 baril naman ang boluntaryong isinuko sa pulisya.
Ayon kay PRO3 Regional Director PBGen Jess B. Mendez, hinihikayat ng kampanya ang mga may-ari ng baril na sumunod sa umiiral na mga regulasyon at tiyaking maayos na naitatala ang kanilang mga baril.
Layunin din nitong mabawasan ang panganib ng pagkawala, ilegal na paglilipat, at maling paggamit ng mga baril na hindi maayos ang pagkakarekord. Aniya, mahalagang maitala at mailagay sa wastong pangangalaga ang mga baril upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magbanta sa kapayapaan at kaayusan ng mga komunidad.
- Latest



















