^

Metro

12-anyos pamangkin paulit-ulit na ginahasa ng obrero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
12-anyos pamangkin paulit-ulit na ginahasa ng obrero
Sa ulat ni Police Station 1 P/Capt. Mark Xyrus Santos, ang inaresto si alyas “Rolly” ng Parola Compound, Tondo, dakong alas-1:35 ng hapon ng Oktubre 10, sa bisa ng mga warrant of arrest sa mga kasong “4 counts of rape through sexual assault, 2 counts of Qulified Rape of a Minor, 3 counts of Statutory Acts of Lasciviousness.”
Pixabay / Stock

MANILA, Philippines — Timbog ng Manila Police District (MPD) ang isang 38-anyos na l­aborer sa patung-patong na kaso ng panggagahasa at pangmomolestiya sa 12-anyos na pamang­kin, sa Tondo, Maynila, Sabado ng hapon.

Sa ulat ni Police Station 1 P/Capt. Mark Xyrus Santos, ang inaresto si alyas “Rolly” ng Parola Compound, Tondo, dakong alas-1:35 ng hapon ng Oktubre 10, sa bisa ng mga warrant of arrest sa mga kasong “4 counts of rape through sexual assault, 2 counts of Qulified Rape of a Minor, 3 counts of Statutory Acts of Lasciviousness.”

Ang arrest warrants ay inisyu ni Presiding Judge Thea Bunye Medina ng Manila Regional Trial Court Branch 38 na may petsang Oktubre 8.

Walang inirekomendang piyansa para sa Qualified Rape, habang inirekomenda naman ang P540,000.00 piyansa para sa 3 counts ng Statutory Acts of Lasciviousness, at P480,000.00 para sa 4 counts ng Rape.

Sa impormasyon, isinasagawa ang panggagahasa sa biktimang menor-de-edad sa tuwing wala sa bahay ang mga magulang ng biktima.

Pinagbabantaan din ng suspek ang pamang­kin na papatayin ang buong pamilya kung magsusumbong.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with