^

Police Metro

COA kay VP Sara: Isoli ang higit P73 milyon confi funds

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa
COA kay VP Sara: Isoli ang higit P73 milyon confi funds
Vice President Sara Duterte visits quake victims in Davao Occidental, as seen in photos posted June 26, 2026.
Duterte office

MANILA, Philippines — Ipinasasauli ng Commission on Audit (COA) kay Vice President Sara Duterte at dalawa pang opisyal ng Office of the Vice President (OVP) ang P73,287,000 halaga ng confidential funds na naisyuhan ng notice of disallowance noong Agosto 8, 2024.

Ito ay matapos ibasura ng COA ang motion for reconsideration nina VP Sara, OVP Special Disbursement Officer Gina Acosta, at Chief Accountant Julieta Villadelrey sa notice of disallowance sa pondong kasama sa P125 milyon na ginastos lang sa loob ng 11 araw noong 2022.

Sakop nito ang P69M na ginamit sa pagbabayad ng pabuya at mahigit P3M sa pagbili ng mga lamesa, upuan, desktop computer, at printer.

Iginiit ng COA na iregular at ilegal ang paggastos sa pondo ng OVP dahil nabigong sumunod sa patakaran ng Joint Circular 2015.

Nabigo rin ang opisina ni VP Sara na magsumite ng dokumentong magpapatunay na matagumpay ang isinagawang information gathering o surveillance activities kung saan ginamit ang pondo bilang pabuya sa impormante.

Ayon sa COA, hindi sapat ang acknowledgement receipts para patunayan ang pagbili ng ari-arian gamit ang pondo ng bayan.

Dahil dito, inatasan si VP Sara at 2 opisyal ng OVP na ibalik ang higit P73M confidential funds.

“Walang pag-aalinlangan, hindi maaaring isakripisyo ang mga ito dahil ang pabayang pag hawak at pag-accounting sa pondo ng publiko ay walang lugar sa isang gobyernong nagsisikap panatilihing buo ang tiwala ng mamamayan,” ayon sa COA.

Ang usapin ay sentro nang paglilitis sa Senate impeachment court kaugnay ng mga paratang sa maling paggamit ng confidential funds ng tanggapan ng OVP.

Patuloy namang sinasabi ni VP Sara na walang maling paggamit ng tanggapan sa pondo ng gobyerno.

Samantala, magpapasaklolo ang kampo ni Duterte sa Korte Suprema kaugnay ng disallowance order ng COA laban sa OVP.

Ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ni VP Sara, magsusumite sila ng petition for certiorari sa mataas na hukuman hinggil sa isyu.

“We will raise this before the Supreme Court via a petition for certiorari,” aniya pa, sidelines ng impeachment trial laban sa bise presidente kahapon.

Sinabi rin ni Poa na inaasahan na ni VP Sara ang desisyon at sinigurong lahat ng legal na remedyo ay gagamitin nila laban dito.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with