Loren humihingi ng extension sa medical leave – Sherwin
MANILA, Philippines — Humihingi ng panibagong extension ang kampo ni Sen. Loren Legarda para sa kanyang medical leave, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian nitong Miyerkules.
“Nagpapadala sila ng extension for medical leave,” ani Gatchalian.
Sinabi rin ni Gatchalian na sa pagkakaalam niya ay nagpapatingin at nagpapahinga si Loren.
Matatandaan na naghain ng medical leave si Legarda mula Agosto 3. Huli siyang nakita sa Senado noong Hulyo 29, sa plenary session.
Nauna ng sinabi ng kampo ni Legarda na nagpapagamot ang senadora sa France para sa kondisyon sa baga at autoimmune condition, at naglalaan din ng panahon upang magpahinga dahil lumalala ang kanyang kondisyon kapag nakararanas ng stress o tensyon.
Sinabi ni Gatchalian na papayagan si Legarda na bumoto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung makababalik siya sa Senado at makadalo sa oras ng botohan.
- Latest


















