PANOORIN: Leviste, ‘fugitive from justice’ na — NBI
MANILA, Philippines — Itinuturing ng National Bureau of Investigation (NBI) si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na "at large" at "fugitive from justice" kasunod ng paglabas ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 235 laban sa kanya kaugnay ng umano'y paglabag sa Public Service Act.
"Considered na you're a fugitive from justice kasi hinahanap ka ng korte; may warrant of arrest na binigay sa'yo," ani NBI Director Melvin Matibag ngayong Miyerkules, Oktubre 7.
Dagdag niya, patuloy silang makikipagtulungan sa Bureau of Immigration (BI), Department of Foreign Affairs (DFA) at House of Representatives.
Makikipag-ugnayan sila sa DFA para sa posibilidad na kanselahin ang passport ni Leviste, sa Kamara para sa posibilidad na kanselahin ang kanyang travel authority, at sa BI para matukoy ang eksaktong lokasyon niya, paliwanag ni Matibag.
Nilinaw naman ni Matibag na ang dalawang kapwa-akusado lamang ni Leviste ang nagpiyansa.
Nakatakda ang arraignment para sa kaso sa Oktubre 26, ayon kay Matibag.
Parehong nasa France si Leviste at ang kanyang ina na si Sen. Loren Legarda, kung saan naka-medical leave si Legarda dahil sa sakit sa baga, ayon sa abogadong si Tony La Viña.
- Latest



















