^

Police Metro

Killer ng mag-asawang retiradong guro, nasakote

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasakote na ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa mag-asawang matanda na kapwa retiradong guro naganap nitong Linggo ng madaling araw sa kanilang bahay sa Brgy. Poblacion 2, Banisilan, Cotabato.

Kinilala ang suspek na si alyas Rem, na residente din ng nasabing bayan ay naaresto nitong Martes ng mga otoridad sa Barangay Guiling, Alamada, Cotabato, na hindi kalayuan sa bahay ng mag-asawang sina Edwin Daquil Galeno, 81; at misis nitong si Elsa Bermejo Galeno, 82.

Ang mag-asawa ay natagpuan ng mga kapitbahay na kapwa patay dahil sa mga saksak sa katawan at palo ng dos por dos na kung saan ay nakita nila ang suspek na lumabas sa bahay ng mag-asawang matanda.

Lumalabas sa imbestigasyon na planong nakawan ng suspek ang mag-asawa nang pasukin nito ang bahay, subalit pumalag ang mga ito at nagsisigaw ng tulong sa mga kapitbahay kaya’t napilitan niyang patayin ang mag-asawa.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with