Sa ‘male-maletang pera’ VP Sara kakasa sa lie detector test

MANILA, Philippines — Handa si Vice President Sara Duterte na sumailalim sa lie detector test, kasunod ng paratang na tumanggap siya ng male-maletang pera.
Ito’y kung ipapakita aniya ni dating Police Patrolman Rodulfo Gracioso Jr. ang resulta ng sarili nitong lie detector test sa publiko.
“Wala akong problema sa lie detector test pero ipakita muna nila ‘yung public na lie detector test ni Gracioso,” ayon kay VP Sara, sa isang pulong balitaan. “Kasi ang nagke-claim lang naman na pumasa siya sa lie detector test is si Gracioso mismo,” aniya pa.
Una nang sinabi ni Gracioso na sa instraksiyon ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, ay naghatid siya ng male-maletang pera kina VP Sara, Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, at kanilang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte.
Una na ring sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na bago naglabas ng affidavit ay sumailalim si Gracioso sa lie detector test at 99% pumasa rito.
- Latest

















