Inflation bumilis sa 7.2% - PSA
MANILA, Philippines — Bumilis ang inflation rate sa bansa noong Setyembre 2026, na siyang nagtapos sa apat na magkakasunod na buwan ng paghina ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 7.2 porsiyento ang inflation noong Setyembre mula sa 6.1 porsiyentong naitala noong Agosto. Kapantay ito ng antas na naitala noong Abril 2026 at itinuturing na pinakamataas mula pa noong Marso 2023 nang pumalo ang inflation sa 7.6 porsiyento.
Sinabi ni PSA National Statistician at Civil Registrar General Claire Dennis Mapa na pangunahing nagtulak sa pagbilis ng inflation ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at mga pangunahing utility.
Noong Agosto 2026, nasa 4.6 porsiyento lamang ang inflation rate ng Food and Non-Alcoholic Beverages index. Ang nasabing grupo rin ang may pinakamalaking ambag sa kabuuang inflation, na katumbas ng 73.4 porsiyento ng pagtaas noong Setyembre.
Malaki rin ang naging kontribusyon ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels index, na tumaas sa 8.4 porsiyento mula sa 7.9 porsiyento noong nakaraang buwan. Umabot naman sa 9.9 porsiyento ang ambag nito sa kabuuang pagbilis ng inflation.
- Latest






















