^

Bansa

ASEAN body vs smuggling ng tabako, isinulong ng JTI

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinulong ng Japan Tobacco International (JTI) ang paglikha ng isang regional body sa ilalim ng ASEAN upang mas epektibong labanan ang transnational na smuggling ng tabako, kasunod ng ulat na kabilang ang Pilipinas at Malaysia sa mga pangunahing sentro ng ilegal na kalakalang ito sa Asia-Pacific.

Sa isang media briefing sa Malaysia, sinabi ni JTI Anti-Illicit Trade Operations Regional Director Valentin Dinca na kinakailangan ang mas matibay na koordinasyon ng mga bansa sa Southeast Asia upang mabuwag ang mga organisadong grupong sangkot sa ilegal na kalakalan.

Pinuri naman ni JTI Philippines Corporate Affairs and Communications Director Shaiful Mahpar ang Pilipinas dahil sa mahigpit nitong mga batas sa compliance. Aniya, ipinagbabawal sa mga manufacturer na mag-export ng sigarilyo nang hindi sumusunod sa mga regulasyon at health warning requirements ng bansang padadalhan.

Sa kabila ng mataas na exposure ng Pilipinas sa ilegal na kalakalan ng tabako, nananatili umano itong priority market ng JTI pagdating sa law enforcement initiatives at suporta sa mga panukalang batas na naglalayong pigilan ang technical smuggling.

JTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with