VP Sara ‘di sisiputin patawag ng NBI
Sa isyu ng male-maletang pera
MANILA, Philippines — Hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa imbitasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na itinakda sa Oktubre 5, para magbigay ng panig kaugnay sa alegasyong ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid siya ng male-maletang pera kay Duterte ng mahigit P2-bilyon sa utos umano ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Batay sa liham na naka-address kay NBI Director Melvin Matibag na may petsang Oktubre 1, sinabing hindi makakarating si Duterte at mga abogado niya, at sa halip ay hiniling nila na makakuha muna ng kopya ng sinumpaang salaysay at iba pang dokumento na isinumite ni Gracioso.
“In your letter, you mention an ongoing investigation into “allegations” made by a certain Mr. Rodulfo M. Gracioso, Jr., and request for our client’s statements, documents, and record that may help clarify the “issues at hand”. However, while your letter mentions an attached copy of Mr. Gracioso’s Sinumpaang Salaysay, none was attached thereto. Consequently, our client cannot provide any meaningful reply to your request at this time,” saad sa liham na pirmado ng mga abogadong sina Clifford Chua, Paul Lawrence Lim, Kimberly Resurreccion, pawang mula sa Chua Lim and Associates law firm. May lagda rin si Duterte sa liham para sa NBI
Nais ng kampo ni Duterte na mabigyan pa ng sapat na panahon upang masuri ang sinumpaang salaysay at mailipat ang conference sa Oktubre 8, 2026, alas-10:00 ng umaga. -
- Latest




















