^

Metro

3 Pinay na biktima ng trafficking, pinigil sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinigil ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Pilipinang pasahero na hinihinalang biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Setyembre 25.

Ayon sa I-Probes, sinabi ng tatlong babae na patungo silang Vietnam, ngunit lumitaw sa kanilang E-class Cambodian visa na Phnom Penh, Cambodia ang kanilang destinasyon. Napansin din ng mga immigration officer ang mga hindi tugmang pahayag ng mga ito tungkol sa kanilang biyahe, kabilang ang destinasyon at tagal ng pananatili.

Nakumpiska rin sa mga pasahero ang mga kuwestiyonableng dokumento, kabilang ang bank certificates, employment certificates at business registration documents na umano’y may palatandaan ng pagmanipula.

Dahil dito, naghinala ang mga awtoridad na maaaring na-recruit ang tatlo para magtrabaho sa Cambodia, na dati nang naging destinasyon ng mga Pilipinong nasagip mula sa human trafficking at ilegal na recruitment na may kaugnayan sa online scam operations.

Ipinasa ang tatlong pasahero sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang pagsusuri at imbestigasyon, kabilang ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga umano’y lokal na recruiter.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with