^

Bansa

PCG nag-deploy ng barko, eroplano vs Chinese research vessel sa Batanes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng patrol vessel at aircraft upang paalisin ang Chinese research vessel na Jia Hai Ke 7, na hinihinalang nagsasagawa ng hindi awtorisadong marine scientific research sa karagatan ng Itbayat, Batanes.

Ayon kay PCG spokesperson for the West ­Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, nagsasagawa umano ang barko ng pananaliksik sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas nang walang pahintulot ng gobyerno.

Sinabi ni Tarriela na walang pahintulot na ibinigay ang Pilipinas sa naturang barko kaya patuloy itong haharangin at palalayasin ng PCG hanggang makaalis sa karagatang sakop ng bansa. Namataan ang Jia Hai Ke 7 37 nautical miles hilagang-kanluran ng Itbayat mula pa noong Setyembre 28. Dahil dito, agad na ipinadala ng PCG ang BRP Teresa Magbanua at Islander aircraft 251 sa lugar. Lumapit ang BRP Teresa Magbanua sa Chinese vessel at nag-deploy ng rigid-hull inflatable boat (RHIB) na umikot sa paligid nito habang patuloy na nagpapadala ng radio challenge.

Dumating din sa lugar ang China Coast Guard vessel 2503 at nagpadala rin ng radio challenge sa barko ng Pilipinas. Kaagad naman itong sinundan ng BRP Teresa Magbanua habang nanatiling malapit sa research vessel.

Kinuwestiyon din ni Tarriela ang posibleng datos na kinokolekta ng barko, kabilang ang impormasyon tungkol sa undersea cable corridors sa Luzon Strait.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with