US FDA pinayagan ang lower-risk claim para sa 20 ZYN nicotine pouches
MANILA, Philippines — Naglabas ang US Food and Drug Administration (FDA) ng Modified Risk Tobacco Product orders para sa 20 variant ng mga ZYN nicotine pouch product, na nagbibigay-daan sa PMI US na i-market ang sumusunod na pahayag para sa mga awtorisadong ZYN product: “Using ZYN instead of cigarettes puts you at a lower risk of mouth cancer, heart disease, lung cancer, stroke, emphysema, and chronic bronchitis.”
Ang desisyon ng US FDA noong Hunyo 30 ang unang pagkakataon na naglabas ang US regulator ng ‘modified-risk orders’ para sa nicotine pouches, na sumasaklaw sa 20 ZYN nicotine pouch products na gawa ng Swedish Match USA, isang subsidiary ng Philip Morris International. Ang Swedish Match USA ay nakatanggap ng marketing authorization mula sa US FDA noong Enero 2025. Ang isang modified-risk order ay naaangkop lamang sa mga produktong sinuri at sa tiyak na pahayag na inaprubahan ng ahensya, at hindi sa buong kategorya ng produkto.
Ang ZYN ang kauna-unahang nicotine pouch product na nakatanggap ng Modified Risk Tobacco Product orders mula sa US FDA, na nagbibigay-daan sa awtorisadong mga produkto na i-market gamit ang isang tiyak na modified-risk claim kaugnay ng sigarilyo.
Malugod na tinanggap ni Stacey Kennedy, CEO ng PMI US, ang regulatory milestone bilang isang mahalagang sandali para sa mga adult consumers.
“FDA’s decision is an important moment for the more than 45 million legal-age nicotine consumers in America,” sabi ni Kennedy. “Today’s news ensures these adults have access to accurate, science-based information, including FDA-authorized evidence that switching from cigarettes to ZYN reduces the risk of smoking-related diseases like heart disease and lung cancer.”
Sinabi ng US FDA na ang desisyon ay bunga ng masusing pagsusuri sa scientific evidence, kabilang ang mga panganib ng produkto kumpara sa sigarilyo, ang pag-unawa ng mga consumer sa lower-risk claim, mga alalahanin hinggil sa paggamit ng kabataan, at ang mas malawak na epekto sa pampublikong kalusugan.
“FDA’s review of modified risk products is intended to ensure that adult users have clear, science-based information about the relative harms of tobacco products, so they can make informed choices,” sabi ni Bret Koplow, Ph.D., J.D., acting director ng Center for Tobacco Products ng FDA.
“Today’s decision allows these products to be marketed with a modified risk claim that informs adults who smoke about the lower risks associated with these products,” dagdag niya.
Ayon sa ahensya, “the specific modified risk claim is scientifically accurate with respect to these ZYN products, that consumers understand the claim, and that marketing the products with the claim would benefit the population as a whole.”
Ang authorization na valid sa loob ng limang taon ay nagtatakda ng mandatory market monitoring. Nagbabala ang US FDA na may kapangyarihan silang bawiin ang mga order kung ang patuloy na surveillance ay magpakita ng pagtaas ng paggamit ng kabataan o kung ang marketing ay hindi na nakaayon sa mga benepisyo para sa public health.
Binigyang-diin din ng ahensya na hindi dapat magsimulang gumamit ng mga produktong tabako o nicotine ang mga hindi gumagamit nito, at nananatiling pinakamainam para sa mga adultong naninigarilyo ang tuluyang pagtigil sa lahat ng produktong tabako at nicotine.
- Latest
















