^

Metro

TRO vs postponement ng BSKE hiling ng election lawyer

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling sa Korte Suprema ni election lawyer Romulo Macalintal na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nob­yembre 2026.

Sa petisyon na inihain nitong Linggo, Setyembre 27, sa pamamagitan ng electronic filing, nais ni Macalintal na sa pamamagitan ng TRO o status quo ante order ay atasan ang Office of the President, sa pamamagitan ng Executive Secretary, Senado, House of Representatives, at Commission on Elections (Comelec) na huwag ipa­tupad ang Republic Act (RA) No. 12326.

Ang RA 12326 ay ang batas na ang susunod na regular na BSKE ay gagawin sa sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, at ang mga susunod na halalan ay isasagawa kada limang taon pagkatapos nito.

Hiniling din niya sa Mataas na Hukuman na ideklarang “inoperative, invalid, and/or unconstitutional” na labag aniya, sa karapatan ng mga mamamayan na mamili ng mamumuno.

Dagdag pa niya sa petisyon na atasan ang Comelec na ituloy ang paghahanda sa naturang eleksyon.

ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with