Kawatan sa ride hailing app driver, tiklo

MANILA, Philippines — Sa loob lamang ng ilang oras, nasakote ng mga operatiba ang isang notoryus na kawatan na tumangay ng P35,000 at iba pang gamit sa driver ng isang ride hailing app sa Caloocan City kahapon Sabado ng madaling araw.
Sa report ni P/Brig. Gen. Christopher Abrahano, dakong alas-11:30 ng gabi sa Brgy. 176 F sa Bagong Silang, Caloocan City.
Ninakaw ng suspect ang sling bag ng driver ng ride hailing app na naglalaman ng Samsung mobile phone, power bank, P35,000 cash, bank crads, professional driver’s license, at unified multi-purpose Identification card.
Ang biktima at isang testigo ay nakita ang pagnanakaw ng suspect kaya agad nila itong hinabol, pero nakatakbo ito.
Ini-report ng biktima ang insidente sa pulisya at sa follow-up-operation ay nasakote ang suspect.
Nabawi mula sa suspect ang driver’s license at Unified Multi-Purpose ID habang ang ibang items ay nabigong marekober.
- Latest






















