^

Metro

‘Groomer’, shooter sa SoCot timbog sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibiduwal na kinabibilangan ng isang ‘online groomer’ at umano’y shooter sa Banga National High School sa South Cotabato.

Sa kanyang pag­harap sa budget hea­ring sa Senado, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na naaresto sa Cebu ang “groomer” habang nadakma rin ang isa sa mga shooter sa nasabing paaralan na ikinasawi ng tatlong estudyante.

“Yesterday we were able to get hold of one of the individuals na somehow related to what happened in South Cotabato and we made an apprehension of one of the suspected groomers from Cebu,” ani Matibag.

Ayon kay Matibag, sa online lamang nag-uusap ang mga ito at nakakabuo ng kanilang mga desisyon.

Patuloy aniya ang koordinasyon ng NBI sa mga paaralan at iba pang ahensiya para sa imbestigasyon at pagligtas sa mga indibidwal na posibleng sangkot sa naturang grupo.

Sinabi rin ni Matibag na posibleng umabot sa 10 indibidwal ang mailigtas ng ahensiya sa mga susunod na araw.

Hiniling naman ni Ma­tibag ang karagdagang pondo para mapalakas ang monitoring ng online threats at mas mabilis na pagtugon sa mga posibleng pag-atake. Humihingi ang NBI ng P1 bil­yong confidential funds para sa mga kagamitan at teknolohiyang gagamitin sa pagtugon sa cybercrime at iba pang krimen.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with