^

Metro

2 BI officer nagsapakan dahil sa lalaki

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 BI officer nagsapakan dahil sa lalaki
Ikinagulat naman ng mga pasahero ang sabunutan at sakitan ng dalawang BI officers na itinago sa mga pangalang “Nora” at “Vilma” bandang alas-9 ng gabi sa arrival area sa kasagsagan ng pagdating ng mga pasahero.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dalawang immigration officer na babae ang umano’y nagsapakan dahil sa away sa lalaki na isa ring immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ikinagulat naman ng mga pasahero ang sabunutan at sakitan ng dalawang BI officers na itinago sa mga pangalang “Nora” at “Vilma” bandang alas-9 ng gabi sa arrival area sa kasagsagan ng pagdating ng mga pasahero.

Batay sa report ng PNP Aviation Security Group, Investigator Police Office PSSg Ferdinand A. Tayaban Jr., nakapuwesto sa kanyang booth ang isang babaeng IO na si “Nora” nang sugurin ni “Vilma.”

Dito ay binungangaan ni Vilma si Nora habang binibidyuhan. Dala ng inis, tinangka ni Nora na agawin ang cellphone ni Vilma subalit buhok ng huli ang nahablot nito.

Ipinalo ni Vilma sa mukha ni Nora ang hawak na cellphone. Sa lakas nang pagkakahampas, namaga ang mukha ni Nora.

Bunsod nito, nilapitan ng ibang BI officer ang dalawa at inawat.

Pinaiimbestigahan na ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang impormasyon na agawan sa lalaking Immigration Officer din ang dahilan ng away nina Vilma at Nora.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with