^

Metro

QCPD itinanggi online threat sa unibersidad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Que­zon City Police District (QCPD) na walang aktuwal na banta sa Far Eastern University (FEU) Diliman matapos mapag-alamang ang isang kumalat na online message ay nagmula sa paalala ng isang magulang sa kanyang anak tungkol sa school violence at kaligtasan.

Agad na kumilos ang QCPD matapos ireport ng pamunuan ng FEU Diliman ang umano’y online threat. Inatasan ni QCPD District Director PBGen. Christopher Olazo ang Holy Spirit Police Station (PS 14), District Anti-Cybercrime Unit, at iba pang concerned units na beripikahin ang ulat at makipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan.

Personal ding nagtungo si Olazo sa FEU Diliman noong umaga ng Setyembre 22 upang suriin ang sitwasyon at matiyak na nakalatag ang mga kinakailangang security measures. Sa isinagawang validation, natukoy na ang mensahe ay ipinadala ng isang magulang sa kanyang anak bilang paalala ­hinggil sa school violence at safety.

Ayon sa QCPD, ipinasa ng estudyante ang mensahe sa mga kaibigan nito at kalaunan ay napagkamalang banta. Nilinaw ng magulang na ang mensahe ay sadyang paalala lamang para sa kaligtasan ng kanyang anak.

Bilang pag-iingat, nakipag-ugnayan ang QCPD sa pamunuan ng FEU Diliman at mga magulang upang magpatupad ng angkop na safety measures at interventions.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with