^

Probinsiya

Freelancer inutas ng kainuman dahil sa nawawalang pera!

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Freelancer inutas ng kainuman dahil sa nawawalang pera!
Hindi na naisalba pa ang biktima sanhi na malalim na tama ng bala sa katawan na kinilala lang sa kanyang alyas na “Christian,” residente ng nasabing lugar.
File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 21-anyos na binatang freelancer nang barilin ng isang nakainumang lalaki na nawalan umano ng pera sa kanilang inuman, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Palipatan 3, Dasmariñas City.

Hindi na naisalba pa ang biktima sanhi na malalim na tama ng bala sa katawan na kinilala lang sa kanyang alyas na “Christian,” residente ng nasabing lugar.

Base sa police report, nag-inuman ang biktima at suspek na si alyas “Mark,” residente ng Brgy. San Antonio de Padua 2, Dasmariñas City, kasama ang saksi na si alyas “Alexa,” 21, residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, at iba pa sa bahay ng kaibigan ng suspek.

Inabot umano ng madaling araw ang inuman hanggang sa magpaalam na ang biktima na umuwi at sumabay na rin si Alexa.

Wala pa umanong 10 minuto, nagpunta si Mark kasama ang isa pang lalaki sa bahay ni Alexa at pilit siyang nagpapasama sa bahay ni Christian hinggil sa nawalan umano ng pera ang una.

Habang papunta sila sa bahay ni Christian sakay ng isang kulay asul na Nmax motorcycle nang makita ang hinahanap nilang si Christian sa isang coffee shop sa lugar. Dito na nagkaroon ng komprontasyon at pilit na pinalalabas ng suspek (Mark) ang sinasabing pera nito na nawala sa inuman. 

Gayunman, itinanggi ni Christian na may kinuha siyang pera kaya sa galit naman ng suspek, bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima na bumulagta sa lugar. Tumakas naman ang suspek kasama ang isang lalaki.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang biktima at tinutugis na ng pulisya si Marka at  kasama nito na kapwa nahaharap sa kasong murder. 

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with