^

PSN Palaro

Gilas Men 3x3 nakadalawa agad sa Asian Games

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang panalo kaagad ang iniskor ng Gilas Pilipinas Men’s 3x3 Team sa pagbubukas ng torneo sa 20th Asian Games kahapon sa Aichi-Nagoya, Japan.

Unang pinatumba ng Gilas Men 3x3, binubuo ng mga players mula sa UAAP at MPBL, ang tropa ng Mongolia, 19-12, sa Group A.

Hindi mapigilan ng mga Mongolians si Nic Cabanero, naglalaro para sa Biñan Tatak Gel sa MPBL, pati na si Koji Buenaflor ng University of Santo Tomas sa UAAP.

Isinunod naman ng koponan ang Sri Lanka, 21-12, para sa 2-0 record sa opening day.

“We just needed to stay composed. ‘Yung defense talaga nagdala sa panalo. Nakita natin, we struggled at the start, but it’s not how you start the game, but how you finish,” sabi ng 6-foot-3 na si Cabanero.

Ang mahigpit na depensa ang gjnamit ng Gilas Men 3x3 para makuha ang 21-point target.

Umiskor si  Cabanero ng walong puntos laban sa mga Sri Lankans, habang may tig-anim na marka sina La Salle forward Manuel Pablo at Buenaflor.

Sunod na lalabanan ng mga Pinoy cagers ang Kazakhstan bukas kung saan ang panalo ang magpapasok sa kanila sa quarterfinals.

“Grateful kami that we got the 2-0 win, but this is the crucial part na, ‘yung quick turnaround heading into the next game, we have to move on because it’s just the beginning,” sabi ng 6’7” na si Pablo.

Bubuksan naman ng Gilas Women 3x3 team ang kanilang kampanya ngayong araw laban sa Mongolia sa alas-11 ng umaga at kontra sa Macau sa ala-1 ng hapon.

Ang grupo ay binubuo nina Kacey dela Rosa ng Ateneo, Kennan Ka ng UP at Amyah Espanol at Victoria Pasilang ng FEU.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with