^

Probinsiya

3 tinedyer arestado sa ‘shooting threats’ na ginawang content!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 tinedyer arestado sa ‘shooting threats’ na ginawang content!
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Tatlo tinedyer kabilang ang dalawang 16-anyos na nag-post ng ­video habang isa rito ang may hawak na armas na nagbantang mamaril sa mga estudyante at mga residente ang inaresto ng mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa South Cotabato, ayon sa ulat nitong Lunes.

Sa kaniyang opisyal na social media page nitong Lunes ng umaga, sinabi ni South Cotabato Go­vernor Reynaldo Tamayo Jr., ang dalawang menor-de-edad ay nasakote sa Brgy. Lamian, Surallah kamakalawa matapos matukoy ng mga awtoridad ang pagkakasangkot nila sa mapagbantang “content” na ipinoste sa social media.

Ayon kay Tamayo, inihahanda na ng mga awtoridad ang paghahain ng kaso sa natu­rang mga menor-de- edad pero hihingi muna ng clearance sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahilan menor- de-edad ang mga ito.

Samantala, sumunod namang nasakote si Aladin Laki,18 taong gulang, dakong alas-9 ng gabi kamakalawa sa operas­yon sa bayan ng Tupi.

Sinabi ni Tamayo, si Laki ay nag-poste ng video na may bitbit na armas na nagbabanta rin ng karahasan na ikinaalarma ng mga residente at mga estudyante.

Ayon sa gobernador, si Laki ay isinailalim sa kustodya ng pulisya na kasalukuyan nang iniimbestigahan.

Inihayag ng opisyal na pinag-aaralan na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga magulang ng tatlong nagbanta ng pamamaril sa mga estudyante at residente sa kanilang lugar.

Samantala, nagbabala rin ang gobernador sa mga kinauukulan lalo na sa mga kabataan na iwasang magposte ng pananakot sa social media dahil may kaakibat itong kaparusahan sa batas. Nanawagan din siya sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak upang maiwasang gumawa ang mga ito ng hindi naayon sa batas.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with