^

Metro

2 nawawalang bata lumutang sa Marikina River

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 nawawalang bata lumutang sa Marikina River
Sa ulat, nakatanggap ang Marikina Command Center, sa pamamagitan ng Rescue 161, hinggil sa ulat noong Linggo, Setyembre 20, na hindi na matagpuan ang dalawang bata.
File photo

MANILA, Philippines — Natagpuan sa magkahiwalay na bahagi ng Marikina River na lumulutang ang bangkay ng dalawang nawawalang bata, nitong Linggo at Lunes.

Sa ulat, nakatanggap ang Marikina Command Center, sa pamamagitan ng Rescue 161, hinggil sa ulat noong Linggo, Setyembre 20, na hindi na matagpuan ang dalawang bata.

Huli umanong nakitang naglalaro sila malapit sa Marikina River, sa boundary ng Quezon City–Marikina. Kapwa residente ng Quezon City ang mga biktima.

Agad nagsagawa ng paghahanap ang Rescue 161 kasama ang mga opisyal ng kalapit na barangay ngunit bigo silang matagpuan ang dalawa. Ilang oras ang lumipas nang may mag-report na isang bata ang nakitang palutang-lutang sa nasabing ilog na bahagi pa ng Quezon City.

Nitong Lunes, Setyembre 21, namataan ang isa pang bata na palutang-lutang sa ilog na malapit sa Brgy. Jesus Dela Peña, sa Marikina.

Tinungo ng mga tauhan ng ­barangay, River Parks Office, at Rescue 161 ang lugar at nakumpirma ang ulat.

Nakipag-ugnayan na ang Marikina Command Center sa pamilya ng mga biktima.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with