2 bahay ni-raid: Suspek timbog, mga armas at bala nasamsam
LIGAO CITY, Albay, Philippines — Nabawi ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Office 5 ang mga armas na hinihinalang ginagamit ng sindikato sa iligal na operasyon ng droga habang arestado ang target na suspek sa inilatag na search warrant operation sa target na magkahiway na dalawang bahay sa Brgy. Paulba at Brgy. Allang, Ligao City, Albay kamakalawa ng umaga.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Republic Act 9516, at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nakakulong nang suspek na si alyas “Rodel”, 34.
Sa ulat, dakong alas-10:55 ng umaga katuwang ang mga kasapi ng Ligao City Police Station, bitbit ang search warrant na inilabas ng korte ay sabayang sinalakay ng mga tauhan ng PNP CIDG-RO5 ang magkahiwalay na dalawang property ng suspek.
Sa paghahalughog ay natagpuan at nabawi ang isang M2 Carbine, isang Kalibre 45 pistola, isang kalibre 22 Magnum, isang caliber 22 rifle, isang granada, mga bahagi ng ibat-ibang uri ng mga baril, mga magazines at mga bala.
Maliban sa mga armas, nasamsam din ang dalawang plastic sachet ng hinihilang shabu, 2-improvised tooters, isang rolyo ng aluminum foil, spherical glass, at iba pang drug paraphernalia.
- Latest



















