^

Metro

Driver ng bus na nakabangga ng siklista, kalaboso

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) sa rehistradong may-ari o operator at itinalagang driver ng isang Public Utility Bus (PUB) na sangkot sa insidenteng pagkakabangga sa isang siklistang dumaraan sa bike lane sa Rizal Avenue corner 8th Avenue, Caloocan City noong Setyembre 13, 2026.

Batay sa video ng insidente na nakarating sa LTO, makikitang habang isinasagawa ng bus ang pagliko pakanan, tinamaan nito ang siklistang patuloy na dumaraan sa bike lane. Dahil sa insidente, nagtamo ng pinsala sa binti ang naturang siklista.

Inutos din ng LTO ang agarang pagsuko ng driver’s license ng driver. Inilagay rin sa alarm status ang naturang bus habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with