Marikina inilatag ang security measures sa mga paaralan
MANILA, Philippines — Sa layuning mapanatag ang mga magulang ng mga mag-aaral sa Marikina City, inilatag ni Mayor Maan Teodoro ang mga hakbang sa seguridad, kasunod ng naganap na huling insidente ng pamamaril sa South Cotabato noong Biyernes.
Isa sa mga unang hakbang ang pagbili ng de-kalidad na metal detectors para sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Nagsagawa rin ang lokal na pamahalaan ng workshop kasama ang mga school heads ng pampubliko at pribadong paaralan upang palakasin ang kanilang kahandaan sa pagpigil at pagtugon sa mga insidente ng active shooting.
Kumuha rin ito ng 31 guidance associates katuwang ang DepEd Marikina upang palakasin ang school-based mental health program at magbigay ng karagdagang suporta sa mga estudyante.
Noong Agosto, hinikayat ng alkalde ang mga kwalipikadong propesyonal na mag-apply para sa full-time guidance counselor positions, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na pigilan ang krimen at protektahan ang mga estudyante sa loob ng campus.
- Latest






















