^

Bansa

Tinio, hindi magandang ehemplo sa guro’t estudyante – Castro

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tinio, hindi magandang ehemplo sa guro’t estudyante – Castro
Atty. Claire Castro
STAR / File

MANILA, Philippines — Bumuwelta ang Malacañang kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio matapos nitong kwestyunin ang umano’y kawalan ng aksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin ng transboundary haze mula Indonesia na nakaapekto sa kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng bansa.

Pinuna ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang pagtawag ni Tinio sa Pangulo na “inutil,” na aniya’y hindi nararapat lalo’t kinakatawan nito ang sektor ng mga guro.

“Ganitong pananalita ba? Walang pagrespeto sa kapwa ang nais niyang mapanatili sa isip at puso ng mga kabataan at mga mag-aaral sa ating bansa. Hindi ito magandang ehemplo. Napapadalas ang ganitong klase niyang pananalita na maihahalintulad sa pagmumura,” giit ni Castro.

Dagdag pa niya, hindi lamang ang Pangulo ang tinutukoy ni Tinio na “inutil” kundi maging ang iba pang opisyal at ahensiya ng gobyerno.

Giit niya, kung talagang gusto nitong makatulong at umaksyon, dapat ay gumawa ng batas—na siyang pangunahing tungkulin ng isang mambabatas.

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with