^

Metro

Quezon City Hall nabulabog sa bomb threat

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabulabog ang mga opisyal at empleyado ng Quezon City Hall matapos makatanggap ng bomb threat sa official Facebook page ng Quezon City Government, na nagresulta sa agarang pag­responde ng pulisya nitong Huwebes.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), ipinost sa comment section ng Facebook page ang banta na may itinanim umanong bomba sa mga comfort room ng QC Hall. Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng QCPD at Safety and Security Cluster ng Quezon City government.

Isinagawa ang masusing inspeksiyon sa gusali at paligid nito, ngunit walang natagpuang pampasabog o anumang mapanganib na materyales ang mga bomb expert.

Sinabi ng QCPD na sineseryoso ng mga awtoridad ang anumang bomb threat, online man o personal, at agad itong sumasailalim sa beripikasyon at imbestigasyon. Kasalukuyan nang tinutukoy ng QCPD, katuwang ang PNP Anti-Cybercrime Group, ang nasa likod ng naturang banta.

Nagbabala ang pulisya na maaaring managot sa batas ang sinumang magpapakalat ng maling bomb threat. Hinimok din ang publiko na ireport agad sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang impormasyon o tumawag sa QC Helpline 122.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with