^

Bansa

DOTr wala ng pondo sa fuel subsidy, EDSA Busway sa 2027

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr wala ng pondo sa fuel subsidy, EDSA Busway sa 2027
Kaugnay nito, sa panukalang 2027 budget briefing ng DOTr at kanilang attached agencies at mga korporasyon sa harap ng Senate Subcommittee on Finance, umapela si DOTr Acting Secretary Giovanni ‘Banoy’ Lopez sa Kongreso ng pondo para sa fuel subsidy.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Department of Transportation (DOTr) na wala silang pondo sa fuel subsidy at sa EDSA Busway para sa susunod na taon.

Kaugnay nito, sa panukalang 2027 budget briefing ng DOTr at kanilang attached agencies at mga korporasyon sa harap ng Senate Subcommittee on Finance, umapela si DOTr Acting Secretary Giovanni ‘Banoy’ Lopez sa Kongreso ng pondo para sa fuel subsidy.

“Kami po ay hu­mingi ng, I think P5 billion sa budget proposal po namin para sa fuel subsidy. Hindi po tayo na­bigyan sa NEP po natin,” ani Lopez.

Idinagdag pa ng kalihim na napapanahon ang fuel subsidy lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Bukod dito, sinabi rin ni Lopez na wala ring ibi­nigay na pondo sa kanila para sa EDSA Busway, kaya’t humihingi sila ng tulong mula sa Senado.

Ani Lopez, nasa P1.7 bilyon ang pondong hinihingi nila para sa EDSA Busway ngunit zero funding ang ibinigay sa kanila.

Nakiusap naman si Lopez na maibalik ang pondong hinihingi nila para sa EDSA Busway dahil maraming nakikinabang dito.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with