^

PM Sports

Wish list ni Cone sa Asian Games pinangalanan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangalanan ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang orihinal 13 players na napili nito para depensahan ang korona ng Pilipinas sa 2026 Asian Games na ginaganap sa Nagoya, Japan.

May wish list si Cone na inilabas nito ilang araw matapos maagang masibak sa kontensiyon at tuluyang mahubaran ng korona ang Gilas Pilipinas.

Babanderahan sana ang Gilas ng tatlong natura­lized players na sina Justin Brownlee, Bennie Boatwright at Ange Kouame.

Kasama ng tatlo sina June Mar Fajardo, Cjay Perez, Scottie Thompson, Chris Newsome, Juan Gomez de Liaño, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Zavier Lucero, Robert Bolick at Adrian Nocum.

Wala talaga sa listahan ang mga players na nagla­laro sa Japan B.League gaya nina Dwight Ramos at AJ Edu dahil nauna nang kinumpirma ng mga pla­yers na hindi sila makalalaro dahil kasabay ito ng liga.

Ngunit dahil sa ilang mga aberya, hindi natupad ang wish list ni Cone.

Hindi pinayagan na makapaglaro sina Quiambao at Tamayo ng kani-kanyang teams sa Korean Basketball League.

Nagpapagaling naman sa injury si Brownlee sa Amerika habang hindi umabot ang naturalization papers ni Boatwright.

Si Kouame naman ay pumirma ng kontrata sa isang basketball club sa France. Tuluyan namang nagretiro na sa national team si Fajardo.

Dahil dito, bumuo ng team ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) base sa listahan ng mga players na natira sa entry by names na isinumite ng Phi­lippine Olympic Committee.

 Para kay Cone, kung natuloy sana ang orihinal na lineup nito, malaki ang tsansa ng Gilas Pilipinas dahil solidong tropa ito na nakayang makipagsabayan at madepensahan ang korona nito.

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with