P1 milyong shabu, nasabat sa rider

MANILA, Philippines — Isang ride-hailing rider na natukoy bilang high value individual (HVI) ang naaresto sa pagbebenta ng iligal na droga at nasamsam ang nasa P1-milyong halaga ng shabu, sa isang buy-bust operation ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City, nitong Lunes.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Bag,” 45-anyos, at residente Barangay Maharlika Village, Taguig City na kinasuhan sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Sa ulat,isinagawa ang operasyon alas-10:30 ng gabi noong Setyembre 14, 2026, sa Mindanao Avenue, Brgy.Maharlika Village ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD, katuwang ang Sub-Station 7 ng Taguig City Police Station.
- Latest
























