^

Police Metro

3 detention basin, itatayo ng DPWH sa Luneta

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang mga pagbaha ay nakatakdang magtayo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng tatlong retarding o detention basins sa Luneta sa Maynila sa susunod na taon.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ang detention basins na ang bawat isa ay may sukat na hanggang 4,000 metro kuwadrado, o may kapasidad na katumbas ng anim na Olympic-sized swimming pool na plano aniya nilang masimulang gawin sa unang bahagi ng 2027.

Sinabi ng kalihim na nakausap na nila ang National Parks Development Committee (NPDC) hinggil sa itatayong detention basins sa Luneta.

Dati aniya ay dalawang detention basins lang ang plano nilang itayo ngunit malaunan ay nagpasya silang dagdagan pa ito ng isa pa.

Anya, mahalagang development ito dahil maaari na nilang i-divert ang tubig na dumadaloy mula sa Taft Avenue, at daraan sa Kalaw, Burgos, at Roxas Boulevard, at mula sa iba pang panig ng Remedios at Malate, patungo sa mga naturang malalaking detention basins.

Nabatid na ang unang basin ay matatagpuan sa kanang bahagi ng Luneta na nakaharap sa Manila Bay, malapit sa Luneta pumping station.

Ang ikalawa naman ay itatayo sa ilalim ng parking lot ng Harbor View Restaurant, at ang ikatlo ay sa isang open space sa kanto ng Maria Orosa St., at Roxas Boulevard, na pawang pagmamay-ari ng NPDC.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with