Sikat na aktor, nauntog sa manager na may ambisyon
MARAMI ang natutuwa sa pagiging supportive ng isang sikat na aktor sa kanyang unang manager na naging bahagi ng kanyang career hanggang sa pagsikat nito at isa sa bankable actors ngayon sa TV at movies.
Sa lahat ng achievements ng manager eh laging nakasuporta ang aktor malaki man o maliit!
At walang ambisyon ang manager na sumikat dahil alam niya ang role ng isang manager ng isang artista.
Hindi raw tulad ng isang aktor na hindi nabalitaang supportive sa personal na ginagawa ng kanyang manager.
Eh napapansin marahil ng aktor na gustong sumikat ng manager niya kaya may sarili siyang agenda upang magkaroon ng marka sa showbiz!
Kaya si aktor, may importante mang ganap sa buhay ng manager, dedma! Talent-manager lang ang relasyon nila at walang pakialam ang aktor sa nais mangyari ng manager sa career at buhay niya!
Nung bagu-bago kasi si aktor, madalas diktahan ng kanyang manager ang dapat gawin sa personal life at career!
Bag ni Marian, more than a million ang presyo
PRINESYUHAN talaga ng mga netizen ang suot ni Marian Rivera sa isang ball lalung-lalo na sa gamit na bag na bumagay sa kanya!
Nakakalula ang presyo ng bag ayon sa may alam na netizens na mahigit na isang milyon daw ang halaga!
Bukod pa ito sa damit, sapatos at accessories ni Marian! No wonder, nagniningning talaga ang ganda niya sa lahat!
Naku, lahat naman ng ginagamit ni Yan eh mula sa sarili niyang pagod kaya huwag kayong magtaka at mainggit!
After all, she’s not Marian Rivera for nothing!
- Latest




















