^

Pang Movies

Vice, nanay na nanay nang umatungal si Alden

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Vice, nanay na nanay nang umatungal si Alden
Vice Ganda at Alden Richards

Usap-usapan ngayon ang trending at viral ang pag-iyak ni Alden Richards sa unang episode ng Gandang Gabi, Vice sa GMA last Sunday.

Tungkol sa lovelife ang tanong ni Vice, sumagot naman si Alden. Pero hindi pala ng pag-ibig sa babae ang mas inuna niya kundi ang pagmamahal sa sarili o self love.

Nagkaroon naman ng dyowa si Alden nung high school days niya. Pero nung nasa showbiz siya eh parang hindi tumutugma ang ibinibigay sa pagmamahal sa babaeng gusto.

Parang isang nanay na inalu-alo ni Vice si Alden na inabot daw ng sampung minuto ang pag-iyak ng actor, huh!

Pasabog agad unang episode ng GGV sa GMA, huh!

Aktor, naloka sa kaartehan ng ka-loveteam

Kumalas na sa kanyang ka-loveteam ang teen actor dahil sa kaartehan ng girl!

Dini-develop pa lang naman ang loveteam nila, pero si girl eh masyado nang demanding sa gustong ipagawa sa boy!

Kamakailan eh nasama sa isang event si boy out of town! Siyempre, may ibang kasama sa event si boy kaya todo ang pictorial!

Nakita ito ni girl. Sinita si boy na parang boyfriend niya ito. Kaya naman sa birthday ni girl, sinabihan si boy na huwag magla-like, share o post tungkol sa kaarawan niya.

Ginawa naman ni boy ang gusto ni girl. Aba, biglang sinita niya si boy na bakit wala siyang post o like sa birthday niya.

Sa halip na magpaliwanag, sinabi na lang ni boy na sinunod lang niya ang gusto ni girl! Kaya walang pakialam si boy sa happenings sa birthday ni girl!

Parang kumalas na sa loveteam si boy dahil sa girl na sala sa init, sala sa lamig ang ugali!

 

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with