^

Bansa

Senado ikinokonsidera ‘No-Work, No-Pay’ rule sa unauthorized absences

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaaring pormal nang ipatupad ng Senado ang “no-work, no-pay” rule para sa mga miyembrong lumiliban nang walang pahintulot, kasunod ng matagal na pagliban ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Linggo.

Ayon kay Lacson, bagama’t kusang-loob nang hindi tumatanggap ng suweldo at allowance si Dela Rosa mula Nobyembre 2025, mas mainam na ­amyendahan ang patakaran ng Senado upang maging opisyal ang suspensyon ng sahod sa mga unautho­rized absences.

“Pag unauthorized na ang absence, dapat hindi parang self-imposed lang. Dapat official na merong sulat sa Land Bank, sa Treasury, na isu-suspend ang suweldo,” paliwanag ni Lacson sa DZBB.

Bukod sa ilang araw noong Mayo, hindi na pumasok si Dela Rosa sa Senado mula Nobyembre 2025. Umalis siya sa loob ng compound ng Senado habang nagaganap ang insidente ng pamamaril noong Mayo 13. Nagtatago siya matapos maglabas ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban sa kanya.

LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with