Misis timbog sa P1.7 milyong droga, 13-anyos naisalba

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng street vendor habang naisalba naman ang isang binatilyo mula sa pagbebenta ng ilegal na droga, sa Pasay City, Biyernes ng hapon, Setyembre 11.
Sa ulat ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District, naisalba ang 13-anyos na Child in Conflict with the Law (CICL) at dinakip ang suspek na si alyas “Munti,” 42-anyos, residente ng Pasay City, sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-5:05 ng hapon sa Molave St., Bo. Sto. Niño nang makipagtransaksyon sa isang undercover operative.
Nasamsam ang 250 gramo ng shabu na katumbas ng P1,700,000.00 halaga, buy-bust money at cellphone ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).
Pinuri ni Southern Police District Director P/Brig Gen Rodel Pastor ang operating unit para sa isa na namang malaking huli ng droga at sa pagsagip sa menor-de-edad mula sa pagkakasangkot sa ilegal na operasyon ng droga.
- Latest





















