Bonggang opening sa UAAP 89 handog ng FEU
MANILA, Philippines — Inaasahang dadagsa ang mga fans mula sa mga kasaling eskuwelahan sa opening ceremony ng UAAP Season 89 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.
Magsisimula ang programa sa alas-5 ng hapon kung saan ang Far Eastern University ang magiging host sa Season 89.
Bibigyang kahulugan ng FEU ang temang ‘For Everyone UAAP’ kung saan ay ipinapaalala nito sa lahat ng UAAP na hindi lamang ito para sa mga atletang naglalaro kundi para sa buong komunidad na nagpapatakbo sa collegiate sports.
“It underscores, alam ninyo naman sa FEU, very inclusive, everybody is important,” sabi ni UAAP Season 89 President Mark Molina. “When you talk about the UAAP, you always see the basketball players, the volleyball players, but we don’t see the people who made them successful.”
Para kay Molina lahat ay importante kaya may tagumpay, kabilang dito ang mga teachers, students, drivers, nagluto sa canteen.
“Lahat ito importante. Lahat ito part ng FEU community, part of UAAP community. That’s why we have that theme.” ani Molina. “We are going to put on a show. Saturday will see the artistic side of FEU. It will be a celebration of the artistic side of FEU.”
Pagkatapos ng selebrasyon, kinabukasan naman ang simula ng aksyon kung saan ay masisilayan ang FEU na makikipagbanggaan ng katawan sa Adamson University sa alas-12 ng tanghali na lalaruin sa Araneta Coliseum.
Masisilayan sa opening ceremony sina OPM icons Vice Ganda at Gloc 9 na parehong Alumni ng FEU.
“We were pressured by UST last year,” sabi ni Molina. “You know what UST did last year? You guys put on a fantastic event, award-winning, credit to Father Rodel (Cansancio) and the entire UST community but FEU won’t be outshined.”
- Latest















