^

Metro

Arraignment ni VP Sara sa grave threats case, ipinagpaliban

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Arraignment ni VP Sara sa grave threats case, ipinagpaliban
Dumating si Duterte sa QCRTC nitong Biyernes ng umaga, kasama ang kanyang kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.
AFP / Noel Celis

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban nitong Biyernes ang nakatakdang arraignment ni Vice President Sara Duterte sa kasong grave threats sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) matapos hilingin ng kanyang mga abogado na ipagpaliban muna ang paglilitis habang pinag-aaralan ng korte ang kanilang mosyon.

Dumating si Duterte sa QCRTC nitong Biyernes ng umaga, kasama ang kanyang kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.

Ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni Duterte sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI), pinagbigyan ng korte ang kanilang kahilingan at inatasan ang Department of Justice (DOJ) at prosekusyon na magsumite ng kanilang komento sa mosyon sa itinakdang panahon.

Maaari namang tumugon ang kampo ni Duterte kung kinakaila­ngan bago maglabas ng desisyon ang hukom. Hindi muna isiniwalat ni Lim ang detalye ng mosyon bilang paggalang sa proseso ng korte.

Patuloy namang kinukuwestiyon ng kampo ni Duterte ang hurisdiksiyon ng DOJ at QCRTC sa kaso. Nag­hain na rin sila sa Supreme Court ng amen­ded petition for certiorari and prohibition, kasama ang hiling na temporary restraining order at/o writ of preliminary mandatory injunction.

Ayon kay Lim, dumalo si Duterte sa kor­te bilang pagsunod sa kanyang obligasyon bilang akusado kahit kinukuwestiyon ng kanyang mga abogado ang hurisdiksiyon ng korte.

Sinabi naman ni Duterte na ginagamit ng kanyang mga abogado ang lahat ng legal na paraan na pinapahintulutan ng batas at sinusunod niya ang kanilang payo. Inulit din niya ang kanyang pahayag na nakararamdam siya ng banta at pangha-harass mula pa noong 2023, ngunit patuloy niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang bise presidente.

Sa ngayon, hindi pa isinasagawa ang arraignment ni Duterte habang hinihintay ng korte ang mga komento ng DOJ at prosekusyon at pinag-aaralan ang mosyon ng kanyang kampo.

Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Duterte noong 2024 na nag-utos umano siya ng pagpatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.

DOJ

SARA

VP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with