^

PSN Opinyon

Hindi sapat ang ani kung lugi ang magsasaka

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Kapag pinag-uusapan ang problema sa pagkain, kadalasan presyo ng bigas at kakulangan ng suplay ang nasa sentro ng usapan. Pero may isang tanong na dapat ding paulit-ulit na iharap kamusta ang magsasakang siyang nagtatanim ng ating pagkain?

Hindi sapat na maraming ani kung kapalit naman nito ay utang, mataas na gastos at maliit na kita. Hindi rin sapat ang mga programang maganda pakinggan kung hindi naman nararamdaman ang epekto sa mismong bukid.

Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mas malakas na samahan ng mga magsasaka at irrigators. Kapag organisado ang mga producer, mas malaki ang pagkakataon nilang magkaroon ng boses sa mga usaping direktang nakaaapekto sa kanilang kabuhayan mula sa suporta ng pamahalaan hanggang sa paghahanap ng maaasahang mamimili.

May saysay din ang Sagip Saka Program dahil sinusubukan nitong ilapit ang magsasaka sa institutional buyers. Mahalaga ito dahil isa sa matagal nang problema sa agrikultura ay ang agwat sa pagitan ng nagpo-produce at ng kumikita sa merkado.

Pero dito dapat maging mapanuri.

Ayon sa Department of Agriculture, hanggang Hulyo 2026 ay umabot sa ?2.92 bilyon ang procurement awards sa ilalim ng Sagip Saka, habang 13,656 na ang rehistradong enterprise na sakop ng pagpapatupad ng programa. Maganda ang mga numerong ito sa papel, ngunit hindi dapat doon nagtatapos ang pagsusuri.

Ang mas mahalagang tanong mas malaki ba ang kinikita ng magsasaka?

Kasama rin sa problema ang irigasyon. Sa pagtatapos ng 2025, 2.2 milyong ektarya lamang sa tinatayang 3.13 milyong ektarya ng irrigable land ang nasasaklaw ng irrigation systems. Malaki pa ang kailangang gawin upang hindi nakadepende nang husto ang produksyon sa ulan at swerte sa panahon.

Kaya habang pinag-uusapan ang halos ?198.4 bilyong panukalang pondo para sa Department of Agriculture at mga attached corporations sa 2027, kailangang may malinaw na sukatan ng resulta.

Hindi sapat ang dami ng proyekto. Hindi sapat ang dami ng ulat. Hindi sapat ang magagandang salita. Ang dapat masukat ay kung gumanda ba ang buhay ng magsasaka.

Mas mababang gastos. Mas siguradong merkado. Mas patas na presyo. At higit na kita para sa kanyang pamilya. Dahil kung patuloy na naghihirap ang nagtatanim ng pagkain, mahirap sabihing ligtas at matatag ang ating food security.

Sa dulo, ang tunay na sukatan ng isang matagumpay na programang pang-agrikultura ay hindi kung gaano kaganda ang pagkakasulat sa press release. Kundi kung gaano kalaki ang naiuuwi ng magsasaka.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with