^

Probinsiya

Drug den sa Bacoor ni-raid: 8 timbog

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Kalaboso ang walo katao kabilang ang isang big-time drug pusher matapos malambat ng mga awtoridad sa ikinasang malakihang buy-bust operation sa isang hinihinang drug den sa loob ng subdivision ng Brgy. Habay 1 sa Bacoor City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bacoor City Police, ang suspek na target sa operasyon na si alyas “JonJon”, ay kabilang sa listahan ng mga High Vale Individual ng pulisya at ang pitong kasamang nadakip ay mga naitalang mga street-level pushers na sina alyas Nogi, Marvin, Maria, Joyse, Badeth, Louose at Fidelity; pawang residente ng lugar.

Base sa ulat, alas-11:50 ng gabi nang salakayin ng Drug Enforcement Team ng Bacoor Police kasama ang Pdea ang isang bahay sa Casimiro Townhomes nang nasabing lugar. Naaktuhan umano ng mga awtoridad ang mga suspek na nagsasagawa ng pot session sa nasabing drugden at nakumpiskahan sila ng 7-transparent plastic sachets at 2-medium plastic bags na naglalaman ng mahigit 52 gramong shabu na nagkakahalaga ng P353,600.

BUY-BUST OPERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with