^

PSN Palaro

Gilas, Bahrain bakbakan na sa Asiad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas, Bahrain bakbakan na sa Asiad
Ang ensayo ng Gilas Pilipinas bago labanan ang Bahrain sa kanilang title defense sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
PBA photo

MANILA, Philippines — Pakay ng Gilas Pilipinas na masikwat ang unang panalo sa pagsisimula ng title defense nito sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

Ngunit hindi magi­ging madali ang lahat dahil makakasagupa nito sa kanilang unang asignatura ang Bahrain na nagpa­lakas ng lineup sa edisyong ito.

Nakatakda ang engkuwentro ng Gilas Pilipinas at Bahrain sa ala-una ng hapon (alas-12 ng tanghali sa Maynila) sa Aichi International Arena.

Maluwag ang Asian Ga­mes organizers kumpara sa mga FIBA tournaments. Kailangan lamang ng passport upang makapaglaro bilang naturalized player ng bansa.

Kaya naman sinamantala ito ng Bahrain dahil magpaparada ito ng apat na naturalized players.

Nangunguna na sa listahan si dating NBA player JaKarr Sampson na nag­laro para sa Philadelphia 76ers, Chicago Bulls, Denver Nuggets, Sacramento Kings at Indiana Pacers.

Kasama nito sina Uros Ilic, Elijah Thomas at Austin Ajukwa.

Solido rin ang local pla­yers ng Bahrain gaya ni Mosti Rashed na bahagi ng Manama squad na nagkampeon sa WASL noong 2023. Naglaro ito ng pro para sa Al Arabi SC sa Qatar.

Pasok din sa Bahrain lineup sina Ahmed Aldera­zi, Ahmed Haji, Ahmed Dindayneh, Ali Rashed, Ali Jaber, Mohammed Juma at Mohammed Buallay.

Dahil dito, kailangang kumayod ng husto ng Gilas Pilipinas na maglalaro nang wala si naturalized player Justin Brownlee na nagpapagaling pa sa injury.

“Justin will not join us,” ani Cone.

Pinalitan si Brownlee ni Gilas mainstay Calvin Oftana na dumating sa Nagoya noong Miyerkules para makasama ang tropa.

Bahagi rin ng Gilas squad sina RJ Abarrientos, Adrian Nocum, Jerrick Ahanmisi, Robert Bolick, Sedrick Barefield, Don Trollano, Brandon Ganuelas-Rosser, Zav Lucero, Justin Arana, Justine Baltazar, at Brandon Bates.

Nasa Group C ang Gilas at Bahrain kasama ang China at Kazakhstan.

Sunod na makakasagupa ng Pinoy cagers ang Kazakhstan sa Sabado at ang China sa Lunes.

 Kailangan ng Gilas Pilipinas na makapasok sa Top 2 upang awtomatikong umusad sa knockout quarterfinal stage. 

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with