Sharon, ginantihan ang mga papuri ni Barbie!

Inamin ni Barbie Forteza na nakaramdam siya ng matinding kaba nang malamang makakatrabaho niya si Sharon Cuneta sa paparating na family drama-suspense series na Honor Thy Mother.
Bukod sa kaba, na-starstruck pa siya, itinuturing din ni Barbie na ang bawat araw daw sa set ng kanilang serye ay isang pagkakataon upang matuto.
Inamin din ulit ni Barbie na super idol niya ang Megastar at ang pakikipagtrabaho kay Ate Shawie ay isang dream come true at the same time ay isang challenge na rin.
Inakala rin niyang magiging strict si Ate Shawie sa shooting nila dahil sa status nito sa industriya pero agkamali si Barbie.
Kabaliktaran pa raw ang pangyayari. “Impression po at first, akala ko strict po si Ms. Sharon... pero grabe sobrang collaborative. Sobrang humble. Sobrang generous and giving,” banggit ni Barbie sa ginanap na media conference/advance screening ng first episode nito noong isang araw. “It’s like taking a masterclass everyday, front row seat,” pag-amin ni Barbie sa ginanap na media conference / advance screening ng Honor Thy Mother.
Pero aminado rin siyang na-confuse siya – dahil para raw siyang laging may meet-and-greet sa kanyang idol na hindi nababawasan ang pagka-starstruck niya. “Parang everyday parang mayroon kang meet-and-greet with your idol tapos kailangan mong mag-work, so minsan iisipin mo ano ba uunahin mo, ‘yung work mo o pagiging fangirl mo?”
Ginantihan naman ni Sharon ng mga papuri si Barbie.
Aniya, isa ang Kapuso actress isa sa mga pinakamahusay na artistang nakatrabaho niya at naniniwala siyang malayo ang mararating nito.
Pero kabaliktaran sa ginagampanan niyang role sa Honor Thy Mother ang kanilang mga karakter sa kuwento ng isang pamilya na masalimuot ang mga pinagdaraanan.
Ginagampanan ni Sharon ang role ni Diana Aragon, isang powerful businesswoman na unti-unting gumuho ang iniingatang negosyo nang muling pumasok sa kanyang buhay si Patricia—ang anak niyang matagal na nawalay na ginagampanan naman ni Barbie.
Hindi simpleng pagkikita lang ang kanilang muling pagtatagpo ng kanilang landas.
Magkakaroon sila ng tunggalian sa pamilya, pera at kapangyarihan, habang napipilitan silang harapin—sa gitna ng isang krisis at sabwatan sa korporasyon—ang mga lihim na naging dahilan ng kanilang pagkakahiwalay.
Inamin ni Sharon na mas matigas ang karakter niya rito kesa sa totoong buhay, pero sinabi niyang may mga aspeto pa rin kay Diana na kaya niyang intindihin. “Oo, naka-relate ako. I think maraming makaka-relate rito nang iba’t ibang intensity... So, I hope na makatulong din na maka-inspire,” say naman ni Ate Shawie.
Mapapanood din sa Honor Thy Mother sina John Estrada, Khalil Ramos, RK Bagatsing, Tonton Gutierrez and Mercedes Cabral.
Ito ay collaboration ng Prime Video, ABS-CBN Studios and GMA Network, at mag-uumpisang mapanood sa Sept. 11, 2026, with 14 episodes.
Directed by acclaimed filmmakers Onat Diaz known for Dirty Linen (2023) and The Alibi (2025) and Dolly Dulu known for Saving Grace (2024), and produced by GMA Network and ABS-CBN Studios, ang Honor Thy Mother premieres exclusively on Prime Video in the Philippines and in more than 240 countries and territories worldwide on Sept. 11, 2026.
Prime Video is available in the Philippines for just P149 per month.
- Latest

























