^

PM Sports

Alas handa ng rendahan Ateneo sa UAAP 89

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakahanda ang bagong head coach ng Ateneo de Manila University na si Louie Alas sa kanilang unang sultada sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament.

Sa darating na Sabado ang opening day ng nasabing collegiate league na gaganapin sa Araneta Coliseum, sa Linggo ang simula ng aksyon pero sa Setyembre 16 ang unang laro ng Blue Eagles kontra University of the East sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“I’m ready to accept the challenge,” sabi ni Alas dating coach sa Philippine Basketball Association (PBA).

Kasama ni Alas sa coaching staffs sina assistant Kerby Raymundo at RJ Jazul kaya asahang magtutulong tulong sila para maging preparado ang kanilang bataan sa kanilang unang laro.

Nagdadalamhati pa rin ang Ateneo dahil sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili na nalunod noong Hunyo 8 sa ginawang team building activity na ginanap sa Dipaculao, Aurora.

Ito ang dahilan kung bakit nagbitiw sa pagiging head coach si Kiwi-American Tab Baldwin at tinapik ang serbisyo ni Alas.

“Ever since the accident happened, ‘yun na agad nasa isip ng team, to dedicate this year for Rene and Divine. Talagang nasa puso na ng ‘team ‘yun,” ani Alas.

Kaya naman magkakaroon ng “DA” at “RB” na itim na black na nakalagay sa jerseys ng mga player sa buong season.

Samantala, bahagyang maninibago ang nagdedepensang La Salle dahil maglalaro sila ngayong season na wala ang kanilang pambatong manlalaro na si Mike Phillips.

“This is going to be a tough season, lalo na may mga nawalang mga key players samin ngayon, but we’ll try our best to defend the crown,” pahayag ni Luis Pablo isa sa mga natirang player ng DLSU.

Si Phillips ang Season 88 Finals MVP at two-time UAAP champion.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with